Inirekumenda ng Philippine National Police (PNP) na i-deputize o magpasaklolo sa mga nakatatandang babae sa komunidad para bastunin ang mga pasaway sa kanilang lugar.
Ito’y upang maging kaagapay ng pambansang pulisya sa pagpapanatili ng kapayaan at kaayusan ngayong isinailalim na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro at Mega Manila.
Ayon kay PNP deputy chief for administration at Admin. Support to COVID-19 Operations Task Force commander P/Ltg. Camilo Cascolan, mas pinakikinggan at sinusunod kasi ng mga kabataan at iba pang pasaway ang mga nakatatandang babae sa kanilang komunidad.
Gayunman, nilinaw ni Cascolan na papayagan nilang i-deputize ang mga nakatatandang babae sa mga komunidad basta’t hindi sila kabilang sa vulnerable sector o iyong mga bantad sa anumang karamdaman.