Binawi ng Department of Transportation (DOTr) ang naunang sinabi nito na payagan ang mga nakatayo sa loob ng pampublikong sasakyan.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra, hindi ito napagkasunduan sa naganap na technical coordination meeting dahil sa pangambang magdulot ng kalituhan sa mga law enforcers.
Aniya, napagkasunduan lamang na i-reconfigure ang porma ng mga pampublikong sasakayan upang makapaglagay ng pwesto kung saan maaaring umupo ang ibang pasahero. —sa panulat ni Airiam Sancho