Nakatakda nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order na magpapatupad sa section 24 ng Republic Act No. 11201.
Ito ang magbibigay-daan sa mga ahensya ng pamahalaan na tukuyin at gamitin ang idle government lands o mga nakatenggang lupain para sa mga proyektong pabahay.
Makikipagpulong naman ang Pangulo sa mga leader ng banking at financial institutions upang tulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na maisakatuparan ang layunin nitong magtayo ng 1 million housing units.
Target ng DHSUD na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon o hanggang sa matapos ang termino ni PBBM sa 2028.
Inatasan na rin ng Punong Ehekutibo ang DHSUD, Departments of Agrarian Reform, Agriculture at iba pang ahensya na tukuyin ang mga lupain ng pamahalaan na maaaring isama sa programa.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla