Sisilipin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng public works projects na nananatiling nakati-wang wang sa loob ng ilang taon.
Ayon sa Pangulo , kanyang re-rebyuhin lahat ng delayed projects sa bansa at pananagutin ang lahat ng mga opisyal at kontraktor na namamahala dito.
Giit pa ng Pangulong Duterte , dapat nang matuldukan ang pag – a- award ng mga government projects sa mga lowest bidder na isa sa itinuturong dahilan ng talamak na kurapsyon sa pamahalaan.
Naniniwala ang punong ehekutibo na matatapos lamang ang ganitong kalakaran kung gagamit ng ‘swiss challenge’ sa mga bidding process kung saan sa pamamagitan nito ay mapupunta lamang sa mga kontraktor na may sapat na kakayahan at may magandang track record ang lahat ng proyekto ng gobyerno.