Binigyang pagkilala ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang mga ahensya ng pamahalaan na naging bahagi ng airport reception unit noong panahon ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit.
Sinabi ni Monreal na layunin ng pagkilala na mabigyan ng importansya ang pagbibigay-serbisyo ng mga ito sa pagsalubong at pangangalaga sa mga delegado.
Pinasalamatan din ni Monreal ang publiko na nakisama sa kanilang ginawang paghahanda noong ASEAN.
Kabilang sa mga binigyang pagkilala ay ang Department of Foreign Affairs o DFA, MMDA o Metropolitan Manila Development Authority, Philippine Air Force, at ang Public Affairs Office ng Department of Transportation (DOTr).
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni MIAA General Manager Ed Monreal
By Katrina Valle | with report from Raoul Esperas (Patrol 45)
Photo Credit: Raoul Esperas (Patrol 45)