Dumarami ang mga matatagal nang kasal o matatanda nang nagdidiborsyo sa South Korea.
Senyales umano ito ng unti-unting pagluwag ng konserbatibong pananaw ng mga South Koreans pagdating sa kasal.
Batay sa National Statistics Bureau of South Korea, nitong nakaraang taon lamang, mahigit sa 33,000 mag-asawa na mahigit 20 taon nang kasal ang nag-diborsyo.
Sinasabing lumakas rin ang loob ng mga babaeng South Koreans na makipag-diborsyo dahil mas malaking settlement na ang ipinagkakaloob sa kanila ng korte.
By Len Aguirre