Magpapasaklolo na ang PhilHealth sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Statistics Authority (PSA) para malinis ang kanilang database.
Ito ang inihayag ni PhilHealth president Ricardo Morales matapos kwestyunin ni Senator Francis Tolentino ang “overbloated” na database ng ahensya.
Sa pagdinig sa Senado kahapon, ipinakita ni Tolentino ang isang listahan kung saan mayroon 30 anyos na miyembro ang nakalista bilang senior citizen.
Makikita rin dito ang iba pang miyembro na mas bata sa animnapung taong gulang 60 anyos ang nakalista bilang mga active senior citizens.
Giit ni Tolentino, dapat ay malinis na ang nasabing database ng PhilHealth lalo’t posible pa itong maging sanhi ng problema sa oras na ipatupad na ang national ID system dahil sa maraming records ang kailangang kunin sa ahensya.