Ipinapabalik ng isang kongresista ang mga nakolektang multa sa mga motoristang lumabag sa no-contact apprehension policy (NCAP).
Iginiit ni 1-Pacman Party-List Representative Mikee Romero ang naturang hiling sa mga ahensya at lokal na pamahalaan makaraang suspindihin ng Korte Suprema ang operasyon ng naturang ordinansa.
Sinabi ni Romero na kabilang sa mga dapat magrefund ng multang siningil ay ang mga tauhan ng MMDA, LTO, maging ang mga lokal na pamahalaan ng Maynila, Quezon, San Juan, Valenzuela, Parañaque, at Muntinlupa City. —sa panulat ni Hannah Oledan