Maoobliga ang Commission on Elections (COMELEC) na bilanging muli ang mga boto para sa ika-63 na upuan sa Kamara de Representantes.
Ito’y sakaling pagtibayin ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng poll body na ibasura ang rehistro ng United Senior Citizen’s Partylist.
Ayon kay Comelec acting spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sakaling pagtibayin ng High Tribunal ang kanilang naunang desisyon, maituturing na stray votes na ang mga nakuhang boto para sa partylist group
Ang Comelec ang siyang umupong National Board of Canvassers para sa mga Senatoriable at Partylist nitong nakalipas na 2022 National at Local Elections.
Una rito, bigong maiproklama ng Poll Body ang USC dahil sa samu’t saring paglabag tulad ng pamemeke ng dokumento at pagtanggap ng pondo mula sa DSWD na mahigpit ding ipinagbabawal
Nabigo rin umano ang grupo na patunayan na sila ay na-organisa ng isang taon o mahigit pa bago pormal na maghain ng certificate of registration