Pinangunahan ni PNP Chief Gen Guillermo Eleazar ang demilitarization o pagwasak ng nasa 5,000 na mga armas na nakumpiska at nai turn over sa ibat-ibang police operations sa buong bansa.
Kasama ni Eleazar ang kaniyang command group at iba pang opisyal sa pagwasak ng mga nasabing mga armas sa harap mismo ng PNP Headquarters sa Kampo Crame, Lunes ng umaga.
Kabilang sa mga sumaksi sa pagwasak sa mga nakuhang aramas sina Deputy Chief PNP for Administration Lt Gen. Joselito Vera Cruz, The Deputy Chief PNP for Operations Lt Gen. Ephraim Dickson at The Chief of the Directorial Staff Lt. Gen. Dionardo Carlos.
Ayon kay Eleazar, mahalagang mawasak na ang mga mga hindi nagagamit na armas upang mawala ang agam – agam na nire-recycle ang mga ito at upang mabawas na rin sa kanilang imbentaryo.