Nakatakdang i-dispose ng DA – Bureau of Plant Industry (BPI) ang mga dilaw na sibuyas na nakumpiska kamakailan.
Ayon kay BPI officer-in-charge for Information and Computer Section Jose Diego Roxas, maaaring pira-pirasuhin o ibaon ang mga nasabat na sibuyas.
Wala anyang phytosanitary permit ang mga nasabing produkto at maaaring peligroso sa kalusugan kaya’t nagpasya silang i-dispose ang mga ito sa halip na ibenta o ipamahagi.
Kumuha na rin ang BPI ng samples mula sa smuggled onions upang sumailalim sa safety test at mabatid kung mayroong contaminants.
Biyernes ng gabi nang makumpiska ng BPI, Department of Agriculture, Bureau of Customs, Philippine National Police at Philippine Coast Guard ang nasa 1,000 bag ng dilaw na sibuyas sa Tondo, Maynila.
Tinaya sa P1.9M ang halaga ng mga naturang smuggled products.