Hinimok ng central command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang mga tauhan na ipagpatuloy ang kanilang pagsusumikap na panatilihin ang kapayapaan sa gitnang Visayas.
Ito ang tinuran ni AFP Central Commander Lt/Gen. Roberto Ancan Jr. makaraang ipagmalaki nito na tinataya nang aabot sa 700 ang mga na-neutralisa nilang opisyal at kadre ng CPP-NPA sa nakalipas na taon.
Mula sa nasabing bilang ani Ancan, 18 rito ang tinaguriang NPA key leaders, 10 sa mga ito ang tumatayong finance officers habang isa rito ang high value target.
Ayon kay Acan, maliban sa mga na-neutralisa nilang mga komunista ay aabpot na rin sa 188 ang mga nasamsam nilang armas sa iba’t-ibang operasyon na kanilang ikinasa sa rehiyon.
Ginawa ni Ancan ang nasabing pahayag makaraang pangunahan nito ang command conference ng central command na isinagawa sa kanilang punong tanggapan sa Lapu-Lapu City sa Cebu. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)