Inamin ng pamahalaan na walang maibibigay na tulong sa mga magsasakang nalugi dahil sa oversupply o overproduction ng mga produktong pang-agrikultura.
Ipinaliwanag ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Na walang pondo ang gobyerno na nakalaan para rito, lalo na sa usapin ng ayuda o cash.
Ito’y kasunod ng napaulat na pagkasayang at pagkabulok ng tone-toneladang mga gulay sa Benguet dahil sa oversupply.
Gayunman, sinabi ni Laurel na sisikapin pa rin ng DA na matulungan ang mga magsasaka sa mga susunod na anihan o harvest season.
Ibinida naman ng kalihim na target ng pamahalaan na makapagpatayo ng mas marami pang cold storage facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang tugon sa overproduction at post-harvest losses ng agricultural products, partikular ang mga gulay at iba pang high-value crops. - sa panulat ni Jeraline Doinog