Bumaba na ang case fatality rate o namamatay sa COVID-19 sa bansa ngayong taon ayon sa DOH.
Ito’y sa kabila ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa datos ng DOH, pinapakita na ang CFR ng bansa ngayong 2021 ay nasa 1.47% kumpara sa 2.47% noong 2020.
Kung titingnan naman ang bilang ng kaso, nakapagtala ang DOH ng mahigit 400K kaso sa katapusan ng 2020 kumpara sa mahigit 1.9M mula Enero hanggang Setyembre 21, 2021.
Lumalabas na nasa 309% ang pagtaas sa mga kaso nitong 2021 kumpara noong 2020.