Sumampa na sa mahigit 1400 ang patay sa malawakang pagbaha sa South Asia bunsod ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, simula noong Hulyo.
Tinaya naman ng United Nations sa 41 milyon ang apektado sa India, Nepal, Bangladesh at Pakistan.
Patuloy ang panawagan ng U.N. ng tulong sa international community dahil na rin sa inaasahang pagkalat ng mga sakit.
Kabilang sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente ay malinis na inuming tubig.
Ito na sa ngayon ang pinaka-grabeng pagbaha na naranasan sa mga nabanggit na bansa sa nakalipas na isang dekada.
By: Drew Nacino
SMW: RPE