Sumampa na sa record-high na 879,429 deaths ang naitala sa Pilipinas noong nakaraang taon o sa ikalawang taon ng COVID-19 pandemic.
Ito na sa ngayon ang itinuturing na pinamakataas na bilang ng namatay sa bansa sa loob lamang ng isang taon kumpara sa 613 thousand 936 noong 2020 o sa unang taon ng pandemya.
Batay ito sa ulat ng Philippine Statistics Authority hanggang nitong Agosto 13.
Ayon kay Commission on Population and Development (POPCOM) executive secretary at undersecretary Juan Antonio Perez III, lumabas din sa datos ng PSA na 2,700 deaths ang naitala kada araw noong 2021.
Patunay anya ito na matinding hamon ang kinaharap ng health system ng bansa sa nasabing taon kaya kailangan ng karagdagang “resources” sa hinaharap.
Base sa POPCOM report, ang September 2021 ang panahon na nakapagtala ng pinaka-maraming namatay na umabot sa 119,758 o katumbas ng 4,000 deaths kada araw.
Gayunman, nilinaw ni Perez na hindi naman lahat ng sanhi ng kamatayan noong isang taon ay COVID-19 lalo’t 159,770 deaths ang “unrelated” sa pandemya.
Nangungunang mga dahilan ng pagkamatay ay sakit sa puso, stroke, diabetes at hypertension.