Nakapagtala na ang buong mundo ng aabot sa apat na milyon na namatay ng dahil sa COVID-19.
Sa huling tala, 4,314,196 na ang nasawi at mayroon namang 203,994,300 na kaso na ang naitala sa buong mundo simula Disyembre 2019.
Sa bilang na ito, karamihan ay gumaling na at may iba naman na patuloy na nakararanas ng sintomas.
Sa huling datos, 10, 668 new deaths at 635,250 new cases naman ang naitala sa buong mundo.
Ang bansang Indonesia naman ang nakapagtala ng pinakamaraming namamatay sa bilang na 1,579 new deaths, sinundan ng Brazil na may 1,211 at Russia na may 799.—sa panulat ni Rex Espiritu