Muling binalaan ng Department of Health (DOH) ang sinumang sangkot sa pamekeke ng resulta ng COVID-19 test.
Sa gitna na rin ito ng report na ilang clinic at indibidwal ang pini-peke ang kanilang polymerase chain reaction test results para makabiyahe sa ibang lugar sa bansa.
Ayon sa DOH ang pamemeke ng COVID-19 test results ay paglabag sa Republic Act 11332 at sinumang mapapatunayang magkakasala ay pagmumultahin ng 20 hanggang P50,000 o pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.
Para naman ma-verify kung lisensya ang isang laboratoryong magsagawa ng COVID-19 PCR testing ipinabatid ng DOH na maaaring gawin ang mga sumusunod: bumisita sa DOH website para makita ang kumpletong listahan ng mga lisensyadong COVID-19 testing laboratories, i-check ang talaan ng licensed testing laboratories sa beat COVID-19 situational report na in-upload sa kanilang official facebook page.
Maaari ring kumunsulta sa local health centers at regional epidemiology ang surveillance units health care provider sakaling kailangan nilang magpa test at humingi ng kopya ng lisensya ng COVID-19 RT-PCR testing na valid hanggang ika-31 ng Disyembre.
Binigyang diin ng DOH na hindi lahat ng diagnostic laboratory ay lisensyadong magsagawa ng PCR COVID-19 testing.