Pagkakakulong ng 1 hanggang 6 na buwan at multa na hindi bababa sa 20 hanggang 50 libong piso para sa sinumang mahuhuling namemeke ng vaccination cards dahil sa paglabag sa Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law
Ito ang babala ni Philippine National Police o PNP Chief PGen. Dionardo Carlos matapos na mahuli ang isang suspek sa buy bust operation na ikinasa ng Bukidnon Provincial Police Office sa Brgy. Tankulan, Manolo Fortich, Bukidnon
Kinilala ang suspek na si Sharlyn Abdul, 20 na inaresto matapos na pagbentahan ng dalawang pekeng vaccine cards ang mga undercover na pulis sa halagang P700.
Ayon kay Carlos, tinutukoy na ng PNP kung saan iniimprenta ang mga naturang pekeng vaccine cards para maisama sa ikinakasang kaso
Ang mga vaccine cards ay nire-require ng ilang mga establisimyento para makapasok ang isang indibidwal, alinsunod sa mga lokal na ordinansa.