Dumagsa ang mga namimili ng lechon sa La Loma, Quezon City, sa kabila ng pagmahal ng presyo nito.
Naglalaro sa 9,000 pesos hanggang 12,000 pesos ang presyo ng isang buong lechon.
Umaabot naman sa 1,000 pesos ang presyo ng kada kilo nito sa lechon capital ng pilipinas.
Kaugnay nito, nasa 600 pesos ang presyo ng kada kilo ng ulo at pata sa la loma, habang 2,000 pesos ang presyo ng kada kilo ng chicharong bulaklak. – sa panulat ni Charles Laureta