Naging matumal ang paninda ng ilang mga vendor at iba pang negosyo sa Divisoria, Maynila matapos kumonti ang bilang ng mga namimili sa lugar.
Ito ay dahil sa muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 at sa panibagong variant na Omicron.
Ayon sa mga vendors, marami sa kanilang mga suki ang natatakot lumabas dahil baka mahawahan ng panibagong variant ng COVID-19 na limang beses na mas nakakahawa kung ikukumpara sa delta variant.
Sinabi pa ng mga negosyante na walang siksikan at hindi na katulad ng dati ang kanilang kinikita sa kada araw dahil sa kakaunting nagpupunta o bumibisita dito.—sa panulat ni Angelica Doctolero