“Damay-damay na…”
Iyan ang reaksyon ni Vice President Leni Robredo sa naging pagbubunyag ni Senate Majority Leader Tito Sotto hinggil sa umano’y nangyaring dayaan noong 2016 elections.
Ayon kay Robredo, kung ang integridad ng halalan noong 2016 aniya ang kinukuwestiyon, tiyak aniyang magiging kuwestyunable ang pagkapanalo ng lahat ng mga pinagbobotohang posisyon.
Magugunitang ipinagharap ng protesta ni dating Senador Bongbong Marcos ang naging pagkapanalo ni VP Leni sa nakalipas na halalan dahil sa pagpapalit umano ng isang karakter sa server ng Commission on Elections o COMELEC na siyang dahilan ng pagkapanalo nito
Samantala, nilinaw naman ni Sotto na walang kinalaman ang mga nakabinbing electoral protest sa kaniyang mga naging pagsisiwalat.
—-