Nakatakdang iproklama ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nanalo sa senatorial at partylist race bukas, Mayo 19.
Nagpasya ang poll body na iproklama na ang 12 nanalong senador, sa kabila ng hirit ng ilang kandidato na magsagawa lamang ng partial proclamation.
Sa pinakahuling partial at official tally, nasa number one spot si Senate President Franklin Drilon habang nasa ikalawang pwesto si dating TESDA Director General Joel Villanueva.
Kabilang pa sa pasok sa top 12 ay sina Senador Vicente Sotto III, mga dating senador na sina Panfilo Lacson, Richard Gordon at Juan Miguel Zubiri, Sarangani Representative Manny Pacquiao, dating Akbayan Representative Risa Hontiveros, dating Senador Francis Pangilinan, Valenzuela City Representative Sherwin Gatchalian, Senador Ralph Recto at dating Justice Secretary Leila de Lima.
By Meann Tanbio