Hindi makakapanungkulan ang lahat ng kandidato nanalo noong May 9 national at local elections kung hindi makakapagsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Ginawa ng Commission on Elections (COMELEC) ang babala kasunod nang nalalapit na pagtatapos ng deadline ng pagsusumite ng SOCE sa Hunyo 8.
Sinabi ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim, head ng COMELEC-Campaign Finance Office, nanalo man o natalo ang isang kandidato ay kailangang magsumite ng SOCE ang mga ito, alinsunod sa isinasaad ng COMELEC Resolution No. 9991 o ang “Omnibus Rules and Regulations Governing Campaign Finance and Disclosure.”
Kabilang rin sa mga dapat magsumite ng SOCE ay ang mga nag-withdraw ng kandidatura at walang ginastos na kahit ano sa eleksyon.
Kinakailangan umano na kumpleto ang ihahaing SOCE dahil ang incomplete na SOCE o kulang sa impormasyon at attachment ay ituturing na ‘not filed’ o hindi naisumite.
By Mariboy Ysibido