Hindi maaaring umupo sa pwesto ang mga nanalong kandidato ng bawat political party, maliban na lamang kung nakapagsumite na ang kanilang partido ng sarili nitong SOCE o Statements Of Contributions and Expenditures.
Inihayag ito ni COMELEC Spokesman James Jimenez matapos mabigong makapagsumite ng SOCE ang Liberal Party na partido ni Vice President elect Leni Robredo.
Iginiit ni Jimenez na nakasaad sa COMELEC Resolution Number 9991 na kapag hindi nakapaghain ng SOCE ang isang political party, ang mga nanalong kandidato nito ay hindi rin makauupo sa pwesto.
Gayunman, ang desisyon hinggil dito ay depende pa rin sa magiging utos ng COMELEC En Banc.
Ipinahiwatig ni Jimenez na ang magiging desisyong ito ay posibleng makaapekto kay Robredo at sa anim pang nanalong Senador na tumakbo sa ilalim ng Liberal Party.
By: Meann Tanbio