Binalaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nanalong opisyal ng barangay na nasa narco list.
Ayon sa Pangulo hindi garantiya ang pagka panalo ng mga nasabing barangay officials para mapagtakpan ang kanilang mga iligal na gawain.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi uubrang gamiting pananggalang ng mga naturang barangay officials ang kanilang posisyon para abusuhin at gamitin sa katiwalian ang kapangyarihang ibinigay sa kanila ng taumbayan.
Lagi aniyang dapat tandaan ng mga nasabing opisyal ng barangay na mayruong nagbabantay sa kanila.