Ipinroklama na ng Commission on Elections (COMELEC), ang mga nagwaging party-list group nitong nagdaang 2022 National and Local Elections.
Tumanggap ng Certificates of Proclamation sa seremonya ang may kabuuang 55 party-list group kaninang hapon sa Pasay City.
Mababatid na mayroong 63 puwesto na inilaan para sa mga party-list na mambabatas.
Kung saan nanguna ang ACT-CIS (Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support) na nakakuha ng tatlong upuan sa 19th congress.
May tig-2 seats naman ang 1-rider partylist, tingog, 4ps, ako bicol at sagip.
Pasok rin ang mga bagong party-list na APEC, Pusong Pinoy, Tucp, Patrol, Manila Teachers, Aambis Owa, Philreca at Alona.
Samantala, ang mga sumusunod na grupo ay magkakaroon ng tig-isang puwesto sa mga party-list seat:
- ANG PROBINSYANO
- USWAG ILLONGGO
- TUTOK TO WIN
- CIBAC
- SENIOR CITIZENS PARTYLIST
- DUTERTE YOUTH
- AGIMAT
- KABATAAN
- ANGAT
- MARINO
- AKO BISAYA
- PROBINSYANO AKO
- LPGMA
- API
- GABRIELA
- CWS
- AGRI
- P3PWD
- AKO ILOCANO AKO
- KUSUG TAUSUG
- AN WARAY
- KALINGA
- AGAP
- COOP NATCO
- MALASAKIT@BAYANIHAN
- BHW
- GP PARTY
- BH
- ACT TEACHERS
- TGP
- BICOL SARO
- DUMPER PTDA
- PINUNO
- ABANG LINGKOD
- PBA
- OFW
- ABONO
- ANAKALUSUGAN
- KABAYAN
- MAGSASAKA
- 1-PACMAN
- APEC
- PUSONG PINOY
- TUCP
- PATROL
- MANILA TEACHERS
- AAMBIS-OWA
- PHILRECA
- ALONA