Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na masisibak sa pwesto o papatawan ng disciplinary action ang mga nanalong opisyal ng Sangguniang Kabataan na hindi sisipot sa mandatory SK Training.
Ayon kay Interior and Local Government Spokesman at Assistant-Secretary Jonathan Malaya, dapat ay mayroong sapat na dahilan ang isang opisyal kung hindi dadalo sa pagsasanay lalo’t obligado ito sa ilalim ng batas.
Kabilang sa ituturo sa training ang pagdaraos ng meeting, pagbalangkas ng mga resolusyon, paghawak ng pondo, code of conduct at ethical standards ng isang public official.
Una nang hinikayat ng DILG ang mga mananalong opisyal ng SK na huwag puro pa-liga at beauty pageant ang gawing proyekto
Magsisimula ang SK training bukas, Mayo 17 hanggang Mayo 26.