Iginiit ni Chief Presidential Legal Adviser Juan Ponce Enrile, na ang pananamantala ng ilang mga negosyante ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon sa dating Senate President, isa sa mataas na presyuhan ngayon sa merkado ang mga pataba o abono na pinaka ginagamit ng mga magsasaka.
Dahil dito, nagiging mahal umano ang produce sa mga produkto ng mga Pilipino kung ikukumpara sa ibang mga bansa.
Sinabi ni Enrile, na dapat magkaroon ng superbisyon ang mga ahensya ng gobyerno partikular na sa mga malalayong lugar kung saan, madalas nangyayari ang pananamantala sa sektor ng agrikultura.