Tutulong na rin ang mga nanay sa kampanya ng gobyerno kontra illegal na droga.
Aaktong volunteers ang mga nanay sa anti-illegal drug force sa kanilang mga komunidad para tulungan ang pamahalaan na malutas ang problema sa illegal na droga sa bansa.
Libo-libong mga nanay ang nagtipon-tipon sa Clarkfield, Angeles City, Pampanga kung saan ipinakita ang pagsuporta sa anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Panauhing pandangal si Pangulong Duterte sa nabanggit na pagtitipon kung saan inilahad nito ang drug problem sa bansa.
Sa pagtatapos ng taon, aabot na sa isang milyon ang mga drug addict, bukod sa nauna ng 3 milyon kaya’t aakyat na ng 4 na milyon ang mga Pilipinong nalulong sa illegal na droga.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping