Tinukoy na ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga tulay na lubhang nanganganib, sakaling tumama ang malakas na lindol sa Metro Manila.
Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, kabilang dito ang Ayala Bridge na nasa Maynila; Guadalupe Bridge na nasa Edsa; at ang Lambingan Bridge na nasa boundary ng Maynila at Mandaluyong.
Sinabi ni Singson na nasimulan na nila ang retrofitting sa Ayala Bridge, pero hindi pa tiyak kung kailan sisimulan ang pag-aayos sa Guadalupe at Lambingan bridge.
Una na din aniyang nangako ang pamahalaan ng Japan, na tutulong ito sa pag-aayos ng mga tulay.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)