Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang Marso ang mga opisyal at ahensyang nangangasiwa sa pabahay para sa Yolanda victims kung ayaw nilang masibak sa pwesto.
Ginawa ng Pangulo ang pagbibigay ng deadline matapos mag-inspeksyon sa mga ipinapatayong housing units sa Barangay Sta. Elena sa Tacloban City, Leyte.
Hindi nakuntento ang pangulo sa natapos na pabahay dahil nais niyang mabigyan lahat ng permanenteng tirahan ang pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa pananalasa ng bagyong Yolanda.
Kabuuang 8,106 na ang naipatayong mga bahay kung saan kalahati rito ay nagawa sa dalawang taon ng Aquino Administration at ang kalahati ay natapos sa ilang buwan ng Duterte Administration.
By: Mean Tanbio / Aileen Taliping