Pinatawan ng parusang kamatayan ang 75 katao, kabilang ang ilang senior muslim brotherhood leaders, dahil sa madugong protesta sa Cairo, Egypt noong 2013.
Sina Essam el-Erian at Mohamed Beltagi ay kasama sa mga sinentensiyahan ng bitay habang life imprisonment naman ang parusa laban kay brotherhood spiritual leader Mohamed Badie.
Maliban dito, ginawaran naman ng limang taong pagkakabilanggo ang photojournalist na si Mahmoud Abu Zeid pero makakalaya na siya dahil noong August 2013 pa siya nahuli at napagdusahan na niya ang kanyang kasalanan.
Magugunitang nagko-cover lamang si Zeid noon sa ilang insidente ng pagpatay sa Cairo nang damputin siya ng mga awtoridad.
Binatikos naman ng ilang human rights groups ang pasya ng Egyptian court dahil wala man lang umanong pulis o sundalo na naparusahan kahit na tinatayang 800 katao ang napatay ng mga ito sa loob lamang ng ilang oras na protesta.