Pawang mga graduating senators ang nangunguna sa #BosesNiJuan2016 survey ng DWIZ.
Halos 45 percent ng mga boto ay nakuha ng nangungunang si Senador Miriam Defensor Santiago, mahigit 41 percent kay Senador Francis Escudero, sinundan ni Senador Antonio Trillanes at Allan Peter Cayetano na nasa pang-apat hanggang ika-limang puwesto.
Eligible naman para mahalal muli bilang senador ang pang-apat hanggang limang puwesto na si Senador Panfilo Lacson, pang-anim naman ang re-eleksyonistang si Senador Bongbong Marcos.
Isa na namang graduating senator ang pumasok sa ika-pitong puwesto sa katauhan ni Senador Pia Cayetano, at pang-walo ang re-eleksyonistang si Senate President Franklin Drilon.
Samantala, pasok sa pang-siyam na puwesto si Senador Grace Poe na mananatiling senador hanggang 2019 maliban kung manalo sa mas mataas na puwesto.
Pang sampu si Senador Koko Pimentel na graduating na rin bilang senador, pang labing-isa si Senador Ralph Recto at pang-labing dalawa si Senador Loren Legarda na magtatapos na rin ang termino.
Ang iba pang pangalang lumabas sa Boses ni Juan senatorial line up ay sina Senador Tito Sotto, Gregorio Honasan, Dick Gordon, Bong Revilla, Rodrigo Duterte, Teofisto Guingona III , Bam Aquino at Kiko Pangilinan.
By Len Aguirre