Exempted na sa Value Added Tax o VAT ang mga pamilyang nagbabayad ng buwanang renta na P15,000.00 pababa.
Ito’y alinsunod sa senate version ng panukalang Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Ayon kay Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara, kanilang tinanggap ang amendment na itaas ang VAT exemption para sa mga nangunguhapan.
Makatutulong aniya ito sa mga bedspacer, taga – probinsya na umuupa ng bahay particular sa Metro Manila at tinatayang 1.5 milyong pamilyang Pilipino ng matagal nang rumerenta.
Samantala, mahaba pa ang inaasahang talakayan ng mga senador sa mga panukalang amendment sa TRAIN.
Kaya’t noong Lunes ay inilaan lamang ang pang – umaga at hapong sesyon para sa TRAIN, habang hindi pa rin naumpisahan ang period of amendments para sa 2018 National Budget.