Paraiso kung ituring ng mga turista ang Pacific Islands, kabilang na ang Samoa. Makapigil-hininga na nga ang mga tanawin dito, perfect pa ito para sa mga gustong lumayo pansamantala sa siyudad.
Ngunit para sa mga nakatira rito, disadvantage ang pagiging remote o liblib ng Samoa dahil imported ang pagkain nila at malayo ang access nila sa healthcare.
Ang resulta? Karamihan sa mga Samoan ang obese.
Ayon sa The Lancet, 70% hanggang 80% ng Samoan adults ang obese.
Bukod sa kawalan ng exercise, nakikita ring dahilan ng ilang scientists ang konseptong “Thrifty Genes”. Batay sa hypothesis na ito, nag-evolve ang katawan ng Pacific islanders upang manatiling malaki. Dahil ito sa nasanay ang katawan nilang maglakbay sa dagat kung saan naiimbak ang kanilang enerhiya sa kanilang taba na tumutulong sa kanilang survival.
Sa kabila nito, pinagsisikapan ng health ministers ng Pacific Island countries na labanan ang obesity at mga sakit na kaakibat nito katulad ng diabetes, heart disease, at stroke.