Isandaang porsyento (100%) nang nailikas ang lahat ng naninirahan sa Volcano Island.
Ang katimugang bahagi ng Volcano Island ay nasasakupan ng bayan ng Talisay, samantalang sakop naman ng San Nicolas ang katimugang bahagi ng isla.
Target ng lokal na pamahalaan ng Talisay na mailipat pansamantala sa Nasugbo, Tanauan at Sto. Tomas ang lahat ng residente ng bayan upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa harap ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Mark Timbal, spokesman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 13,000 katao ang nailikas mula sa mga danger areas.
Maliban sa Talisay, ang mga evacuees ay mula sa Balete, San Nicolas, Laurel, Agoncillo, kasama ang Lemery, Mataas na Kahoy, Alitagtag, Tanauan at Lipa City.
Nagtulong-tulong po ‘yung ating local government, kasama din po ‘yung mga kasamahan natin d’yan sa Philippine Coast Guard na naglipat po ng mga tao from the Volcano Island going to the mainland po ng batangas, ‘yung mga kababayan po natin ay nailagay na po natin sa mga areas at mga evacuation centers,” ani Timbal. —sa panayam ng DWIZ