Umabot na sa 33 convict ang napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law kasunod ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko ang mga ito.
Siyam ang sumuko sa Bureau of Corrections Headquarters sa Muntinlupa City, 20 sa Cagayan Province, isa sa Pasay City, Cebu, Laguna at Ifugao.
Matatandaang binigyan lamang ng 15 araw ni Pangulong Duterte ang mga convict na sumuko sa mga otoridad.