Sumampa na sa 44 na miyembro ng BIFF ang napapatay sa tatlong araw nang bakbakan ng militar at mga terorista sa Maguindanao.
Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Joint Task Force Central, may 26 na miyembro pa ng BIFF ang kumpirmadong sugatan sa mga putukan sa Datu Unsay Ampatuan at Datu Saudi Ampatuan.
Libu-libong residente na rin anya sa mga nabanggit na bayan ang lumikas na dahil sa bakbakan na nagsimula pa noong huwebes.
Wala pa namang naiuulat na nasawi sa panig ng militar.