Sumampa na sa 1,011 ang bilang ng mga napapatay na drug personality sa pinaigting na police operations, simula Hulyo a-uno.
Ayon sa Philippine National Police, naitala ang bilang hanggang August 31, 2016 o sa unang dalawang buwan ng Duterte Administration.
Wala sa naturang record ang mga biktima ng summary execution.
Inihayag ng PNP na 1,805 ang naitalang drug-related killings ng mga non-state force na sumasailalim sa imbestigasyon.
By: Drew Nacino