Umabot na sa dalawang libo dalawandaan at limampu (2,250) ang napatay sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) sa Oplan Double Barrel Alpha mula July 1 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 17.
May tatlumpung (30) pulis at tatlong (3) sundalo rin ang naitalang patay sa mga operasyon kung saan lumalaban ang mga drug suspects.
Samantala, nasa anim na kabahayan na ang nakatok ng mga pulis sa ilalim ng Oplan Tokhang at halos isang milyon na ang napasuko nilang drug pushers at users.
By Len Aguirre | Report from: Jonathan Andal (Patrol 31)