Mahigit limanlibo isandaan (5,100) na ang napapatay sa pinaigting na giyera kontra droga ng pamahalaan, mag-iisang taon matapos itong ilarga ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-i-isang taon na rin sa termino sa Biyernes.
Mula sa naturang bilang, mahigit tatlong libo limampu (3,050) ang nasawi sa lehitimong police operations habang ang iba ay drug-related deaths na hindi naman resulta ng operasyon ng pulisya.
Bagaman patuloy na inuulan ng batikos, inihayag ni NCRPO o National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde na maituturing pa ring tagumpay ang drug war lalo’t mayorya ng mga Pilipino ang nagsasabing mas ligtas sila ngayon kumpara noong mga nakaraang taon dahil sa kampanya kontra droga at kriminalidad.
Aminado naman si Philippine Drug Enforcement Agency Spokesman Derrick Carreon na kahit nagpapatuloy ang operasyon ng gobyerno, nakapapasok pa rin ang iligal na droga mula naman sa ibang bansa.
By Drew Nacino