Pumalo na sa mahigit 3,800 drug personalities ang napapatay sa giyera kontra droga ng Duterte administration.
Naitala ang bilang mula Hulyo 1 noong nakaraang taon hanggang noong August 29 ng kasalukuyang taon.
Samantala nasa 76 na mga pulis , sundalo at operatiba ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang nasawi habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Batay sa tala ng PDEA, aabot na sa mahigit 2,000 kilo ng shabu o nagkakahalaga ng higit 12 bilyong piso ang nasasabat ng pamahalaan sa mga operasyon kontra iligal na droga.
By Arianne Palma / (Ulat ni Jonathan Andal)