Lumabas sa pag-aaral ng Ateneo School of Government na pumalo na daw sa mahigit sa 5,000 drug suspect ang napapatay sa kampanya kontra iligal na droga simula Mayo 10, 2016 hanggang Setyembre 29, 2017.
Ayon sa research group ng Ateneo, nakuha nila ang nasabing pigura mula sa news reports ng iba’t-ibang mga istasyon at pahayagan sa bansa.
Giit ng grupo, ang 5,021 drug-related deaths ay ang kumpletong bilang ng mga casualties sa anti-drug war ng pamahalaan.
Base sa pag-aaral ng Ateneo, umabot sa 47 percent ang mga napatay umanong small-time drug dealers, 23 percent ang mga nasawing nasa watchlists ng mga otoridad at 8 percent naman ang mga adik o drug users.
Ilan din umano sa mga natitirang porsyento ng mga drug-victims ay pawang drug couriers, narco-politicians at mga inakusahan na sangkot sa iligal na droga.