Hindi pa rin magpapaka-kampante ang AFP o Armed Forces of the Philippines sa pagdurog sa bandidong Abu Sayyaf at iba pang teroristang grupo sa Mindanao.
Ito’y kahit abot-kamay na ng militar ang tagumpay sa kanilang pakikipaglaban sa mga terorista at iba pang lawless elements sa rehiyon sa ilalim ng umiiral na batas militar.
Batay sa tala ng AFP, nasa 94 na miyembro ng Abu Sayyaf ang kanilang napapatay, 66 naman ang mga naaresto habang 96 naman ang mga sumuko sa nakalipas na anim (6) na buwan.
Pagmamalaki naman ni Lt. Gen. Carlito Galvez, pinuno ng WESMINCOM o Western Mindanao Command, resulta iyon ng pinaigting na operasyon ng joint task force WESMINCOM mula pa noong Enero.
By Jaymark Dagala
Mga napatay na Abu Sayyaf members pumalo sa 94 sa unang bahagi ng taon was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882