Umabot sa kabuuang tatlong daan at sampung (310) miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na pawang konektado sa ISIS terror group ang napatay ng mga militar sa bahagi ng Mindanao.
Ayon sa Western Mindanao Command o WESTMINCOM, pumalo sa 128 Abu Sayyaf members ang nasawi sa mahigit limangpung (50) engkwentro sa Basilan, Sulu, Tawi – Tawi at Zamboanga.
Habang 182 BIFF members naman ang kanilang nalikida sa Central Mindanao.
Naitala ng WESTMINCOM ang mga nasabing bilang mula Enero 1 hanggang Disyembre 30 ng taong 2017.
Kabilang din sa mga maituturing na tagumpay ng militar sa rehiyon ng Mindanao ang pagkaka – aresto at pagsuko ng 352 members ng Abu Sayyaf, samantalang 243 members naman sa panig ng BIFF.
Pahayag ng WESTMINCOM, malaki ang naging tulong ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa tagumpay ng tropa ng pamahalaan laban sa dalawang (2) teroristang grupo.
Matatandaang pinagtibay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang taong pagpapalawig ng martial law sa buong Mindanao sa taong 2018.