Umabot sa P26.3-B ang kabuuang halaga ng napautang sa mga SSS members mula noong Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, mas mataas ito kumpara sa P23.9-B na napautang noong nakalipas na taon.
Pagmamalaki pa ni Ignacio, naitala ang 7.3% increase sa salary loan simula noong 2014 hanggang 2018.
Maaring mag-apply ng salary loan ang mga SSS members ng hanggang dalawang buwan ng kanilang monthly salary credits at bayaran sa loob ng dalawang taon.