Kabilang ang dalawang Mindanao warrior na malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa inirekomendang apat na 3-Star General na posibleng pumalit kay outgoing Chief of Staff General Eduardo Año.
Nangunguna sa isinumiteng rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP Board of Generals ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Western Command Chief Lt. General Carlito Galvez ng Philippine Military Academy Class of 1985.
Si Galvez ang pangunahing nagsusuperbisa ngayon sa nangyayaring bakbakan sa Marawi City.
Maliban kay Galvez, contender din ang taga-Davao City na si AFP Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Leonardo Rey Guerrero ng PMA Class of 1984; AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Salvador Melchor Mison Jr. ng PMA class of 1984 at Deputy Chief of Staff Vice Admiral Narciso Vingson Jr. ng PMA class of 1985.
Nakatakdang magretiro si Año sa serbisyo sa darating na October 26.
—-