Bineberipika na ng Department Of Health ang mga ulat hinggil sa adverse reactions mula sa mga menor de edad na tinurukan ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa sa mga binakunahan ang may high blood pressure na bumaba rin makalipas ang dalawang araw.
Mayroon din anyang menor de edad na nagkaroon ng allergic reaction na agad namang nalunasan habang ang dalawa pang pediatric age ay nagkaroon ng stress-related reactions.
Nilinaw naman ni Vergeire na ang mga naturang adverse events ay hindi pa opisyal dahil kailangan pa itong ilagay ng DOH sa “vigiflow” system ng Food and Drug Administration.
Oktubre 15 nang magsimula ang pilot run ng pediatric COVID-19 vaccination sa mga menor de edad na may comorbidities.—sa panulat ni Drew Nacino