Pinatitiyak ni Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi na makalalahok sa Barangay at SK Elections sa Mayo ang mga opisyal nitong sangkot sa iligal na droga.
Iginiit ng Senador, walang dahilan para makalusot pa ang mga Narco Barangay Officials dahil sa ilang ulit na ng naantala ang halalang pambarangay na nangangahulugan na may sapat na panahon na ang DILG para aksiyunan ang problema.
Kasunod nito, umaasa si Gatchalian na nagawa nang kasuhan ng DILG ang mga Narco Officials sa loob ng dalawang taon na naantala ang halalan.
Una rito, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na muling lalaganap ang mga patayan sakaling may mga barangay officials na sangkot sa droga ang mahahalal sa bisa ng perang nagmula rito.
Jaymark Dagala / Cely Ortega-Bueno / RPE